Gobyerno nalugi ng mahigit P7B dahil sa National Value Verification System ng BOC

By Ricky Brozas February 18, 2020 - 12:56 PM

Nasa mahigit P7 bilyon ang kita na nawala sa gobyerno dahil sa iregularidad sa National Value Verification System ng Bureau of Customs (BOC).

Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda, aabot sa P7.8 billion ang dapat na kitang makokolekta sana ng pamahalaan mula July 2019 hanggang January 2020.

Dahil sa mga korapsyong natuklasan sa NVVS, bumuo ng joint task force committee ang technical working group ng Ways and Means at ang BOC para pag-aralan ang mga hakbang na gagawin upang mahinto ang mga pang-aabuso dito.

Katunayan, sumulat ang BOC sa komite para makiusap na payagan muna ang paglalatag ng mga safety measures bago pag-isipan ang pagpapatigil sa operasyon ng NVVS.

Sa pagdinig ng komite ni Salceda, lumalabas na hindi na iniinspeksyon ang mga kargamentong pumapasok sa bansa dahil ang mga ito ay dumadaan sa Super Green Lane at may mga accredited importers ay hindi kailangang dumaan pa sa inspeksyon sa Adwana.

Bukod sa hindi lahat ay dumadaan sa inspeksyon ng NVVS ay nakadepende pa kung sino ang mag-i-input ng data sa system kaya lantad ito sa negosasyon na siyang pinag-u-ugatan ng korapsyon sa customs.

 

TAGS: BOC, customs, Inquirer News, National Value Verification System, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, target collection, BOC, customs, Inquirer News, National Value Verification System, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, target collection

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.