Pagbisita ni Pangulong Duterte sa mga sikat na tourist destination makaaakit ng mga turista
Umaasa ang Malakanyang na makahihikayat ng mas maraming turista ang pagbisita ni Pangulong Duterte sa mga sikat na tourist destination sa bansa.
Bibisita si Pangulong Duterte sa Boracay, Cebu at Bohol bago pa man matapos ang buwan ng Pebrero para ipakita na ligtas ang pagbiyahe sa gitna ng banta ng coronavirus disease o COVID-19
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, magnet si Pangulong Duterte.
Naka-attract aniya ang presensya ni Pangulong Duterte kapag dumadalo sa isang event.
Nilinaw naman ni Panelo na hindi na kailangan na mag-jetski o mag-beach ni Pangulong Duterte sa mga tourist destination kundi simpleng pagbisita lamang ang kanyang gagawin.
Simpleng hello at presensya lamang aniya ang kailangan na gawin ng pangulo.
Una nang sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat na aabot sa P42 bilyon ang malulugi sa industriya ng turismo dahil sa mga ipinatupad na travel ban sa Hong Kong, Macau at China bunsod ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.