Malnutrisyon dahilan kung bakit libu-libong estudyante sa Bicol ang hindi makabasa

By Erwin Aguilon February 18, 2020 - 12:23 PM

FILE PHOTO
Malnutrisyon ang nakikitang dahilan ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda kung bakit libu-libong estudyante sa Bicol Region ang hindi marunong magbasa.

Ayon kay Salceda, sadyang hirap ang mga estudyante na matuto sa paaralan kapag walang laman ang kanilang mga tiyan.

Lumalabas sa ulat ni Department of Education Bicol Regional Director Gilbert Sadsad, humihit kumulang 76,000 ang non-readers o struggling readers sa buong Bicol Region.

Iginiit ng mambabatas na hindi na dapat ito nangyayari sa ngayon dahil mayroon nang ipinapatupad na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Gayunman ang binibigyan lamang anya ng buwanang allowance ang kada idigent na pamilya sa ilalim ng 4Ps kapalit lamang ang magandang attendance ng kanilang mga anak sa paaralan at hindi sa kung natututo ang mga ito sa loob ng silid-aralan.

Dahil dito, iginiit ni Bicol solon ang kahalagahan ng pagsasabatas ng House Bill 6295 o Universal Free School Meals dahil kapag busog anya ang mga estudyante habang nasa paaralan ay matitiyak ang pagkakatuto ng mga ito.

TAGS: Bicol Region, education, Inquirer News, Malnutrition, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, reading, Students, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bicol Region, education, Inquirer News, Malnutrition, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, reading, Students, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.