WATCH: Dating Senador Antonio Trillanes naglagak na ng piyansa sa korte

By Jong Manlapaz February 18, 2020 - 12:11 PM

Nakapaglagak na ng piyansa si dating senador Antonio Trillanes IV para sa kinakaharap na kasong kasong ‘conspiracy to commit sedition.

Personal na nagtungo si Trillanes sai Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 138 para magpiyansa.

P10,000 piyansa ang inilagak ng dating senador batay sa rekomendasyon ng korte.

Ngayong umaga lamang dumating sa bansa si Trillanes matapos magpalabas ng warrant of arrest ang korte laban sa kaniya at 10 iba pa.

Sila ay kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) dahil sa pag-uugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito sa umano ay kalakaran sa ilegal na droga.

Ang rebelasyon ay inilantad sa serye ng video na mayroong titulong “Ang Totoong Narcolist”

TAGS: antonio trillanes, bail, conspiracy to commit sedition, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Quezon City court, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, antonio trillanes, bail, conspiracy to commit sedition, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Quezon City court, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.