Mahigit 60 paaralan sa Batangas wala pa ring pasok
Nasa 61 eskwelahan pa rin sa Batangas ang walang klase hanggang sa ngayon dahil sa epekto ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Ayon kay DepEd Usec Alain Pascua, ang mga ito ay sa mula sa bayan ng Taal, Agoncillo, San Nicolas at ilan pang bayan na malapit sa bulkan.
Paliwanag ni Pascua, kahit nasa alert level 2 na lang ang sitwasyon sa bulkan, patuloy pa rin ang paglilinis sa mga nasabing paaralan dahil sa kapal ng abo na mula sa bulkan.
Sa pagtaya ng opisyal, maaaring abutin ng isa pang buwan bago matapos ang paglilinis sa mga paaralan.
Habang may 28 eskwelahan din aniya ang ginagamit pa rin bilang evacuation center.
Habang nasa 33 eskwelahan naman ang kailangang isailalim sa repair.
Problema naman ang DepEd kung saan kukunin ang malaking pondong kailangan para sa pagsasaayos ng mga nasirang silid-aralan.
Hindi lang naman kasi aniya ang mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal ang nasira at kailangang isaayos kundi ang mga naapektuhan rin ng lindol, bagyo at baha sa Mindanao nitong nakaraang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.