Dahil dito, natigil ang pulong balitaan na dapat ay nakasentro sa accomplishment ng DAR kung saan ipinagmalaki ang pagiging zero backlog ng ahensya sa lahat ng pending agrarian cases na nasa korte sa buong bansa.
Mismong si Sec. John Castriciones ang nanguna sa presscon kasama ang ilan pang mga opisyal na karamihan ay mga undersecretaries at regional directors.
Binitbit ng mga gwardiya palabas ng ballroom ng Sulu Hotel sa Quezon City ang isang Dennis Ilagan ang presidente ng samahan ng mga magsasaka ng San Diego
Lian, Batangas.
Batay sa alegasyon ni Ilagan, halos isang dekada na nilang nilalakad sa DAR ang kaso at ngayong panahon ni Pangulong Duterte na nagkaroon na ng finality mula sa tanggapan mismo ng presidente para sa 78.4 ektaryang lupain sa Lian, Batangas.
Naniniwala si Ilagan na nagkakaroon ng lagayan sa ilang opisyal ng DAR lalo na nagkaroon ng interes sa mala-Boracay na lupain ang malalaking negosyante sa bansa.