27 Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 sa Japan hindi muna iuuwi sa Pilipinas
Hindi kasama sa mga ililikas ng pamahalaan ang 27 Pinoy na kabilang sa mga nagpositibo sa COVID-19 sa Diamond Princess sa Yokohama, Japan.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, maiiwan sa Japan ang 27 nagpositibong Pinoy sa sandaling maisakatuparan na ang repatriation sa mahigit 500 Pinoy na sakay ng barko.
Una nang kinumpirma ng embahada ng Pilipinas sa Japan na 538 ang Pinoy na sakay ng barko at karamihan sa kanila ay pawang crew.
Naghahanap pa ang Pilipinas ng quantine facility na pagdadalhan sa kanila sa sandaling dumating sila sa bansa.
Kahit kasi natapos nila ang 14 na araw na quarantine period sa barko ay muli silang sasailalim sa 14 na araw na quarantine pagbalik ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.