Dating Senador Trillanes nakabalik na sa bansa; maglalagak ng piyansa sa korte
Nakabalik na sa bansa si dating Senador Antonio Trillanes IV.
Si Trillanes ay maglalagak ng piyansa sa korte para sa kinakaharap na kasong conspiracy to commit sedition.
Dumating si Trillanes sa NAIA Terminal 3, Martes ng umaga.
Sinalubong siya ng abogado niya na si Atty. Rey Robles.
P10,000 ang halaga ng piyansa na itinakda ng Quezon City Metropolitan Trial Court para sa pansamantalang paglaya ng dating senador.
Si Trillanes at 10 iba pa ay kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) dahil sa pag-uugnay kay Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito sa umano ay kalakaran sa ilegal na droga.
Ang rebelasyon ay inilantad sa serye ng video na mayroong titulong “Ang Totoong Narcolist”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.