Sa ilalim ng Comprehensive Values Education Act, ang mga estudyante sa primary level ay obligadong dumalo sa 30-minute na klase kada araw hinggil sa GMRC.
Ang mga junior at senior high school naman ay mayroong isang oras na klase sa values education dalawang beses kada linggo.
Sa bersyon ng senado, ituturo ang GMRC at Values Education sa English at Filipino para mas maging accessible at userfriendly sa mga mag-aaral.
Inalis ang GMRC bilang bahagi ng subject ng mga mag-aaral nang ipatupad ang K to 12 curriculum noong 2013.
Isinama na kasi ang values education sa iba pang asignatura gaya ng Edukasyon sa Pagpapakatao at Araling Panlipunan.