Pagbabalik ng GMRC at Values Education sa elementarya at HS aprubado na sa ikatlong pagbasa sa senado

By Dona Dominguez-Cargullo February 18, 2020 - 09:33 AM

Aprubado na sa ikatlong pagbasa sa Senado ang muling pagkakaroon ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) bilang bahagi ng asignatura sa elementarya at high schools sa mga pampuliko at pribadong paaralan.

Sa ilalim ng Comprehensive Values Education Act, ang mga estudyante sa primary level ay obligadong dumalo sa 30-minute na klase kada araw hinggil sa GMRC.

Ang mga junior at senior high school naman ay mayroong isang oras na klase sa values education dalawang beses kada linggo.

Sa bersyon ng senado, ituturo ang GMRC at Values Education sa English at Filipino para mas maging accessible at userfriendly sa mga mag-aaral.

Inalis ang GMRC bilang bahagi ng subject ng mga mag-aaral nang ipatupad ang K to 12 curriculum noong 2013.

Isinama na kasi ang values education sa iba pang asignatura gaya ng Edukasyon sa Pagpapakatao at Araling Panlipunan.

TAGS: GMRC, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Students, Tagalog breaking news, tagalog news website, Values Education, GMRC, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Students, Tagalog breaking news, tagalog news website, Values Education

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.