Tricycle driver patay sa pananambang sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo February 18, 2020 - 09:14 AM

Patay makaraang pagbabarilin ang isang tricycle driver sa Quezon City.

Kinilala ang biktimang si Lauriano Bardaje III, 35 anyos na tinambangan ng riding-in-tandem sa Barangay Payatas.

Ayon sa mga otoridad, nakikipag-usap lamang ang biktima sa kapwa niya tricycle driver nang dumating ang mga suspek na nakasuot ng helmet at facemask.

Mabilis tumakas ang suspek matapos ang pananambang.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang basyo ng bala ng baril.

Inaalam pa kung ano ang motibo sa pananambang.

TAGS: ambush, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, tricycle driver, ambush, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, quezon city, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, tricycle driver

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.