Total revamp ipinatupad ng BI sa lahat ng tauhan sa paliparan

By Dona Dominguez-Cargullo February 18, 2020 - 08:00 AM

Nagpatupad na ng revamp ang Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng tauhan nito sa mga paliparan sa bansa.

Ito ay kasunod ng pagkakabulgar ng “pastillas scheme” sa isinagawang pagdinig sa Senado.

Ayon kay BI Commissioner Jamie Morente, naapektuhan ng total revamp ang lahat ng airport personnel ng BI, lahat ng terminal heads, at mga Travel Control and Enforcement Unit head.

Kasabay nito tniyak ni Morente na gagawin ng BI ang karampatang aksyon para mapanagot ang mga tauhan nilang sangkot sa anomalya.

Siniguro ni Morente na mapapatawan ng parusa ang lahat ng mapatutunayang sangkot sa korapsyon.

TAGS: immigration personnel, Inquirer News, NAIA, Pastillas scheme, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, total revamp, immigration personnel, Inquirer News, NAIA, Pastillas scheme, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, total revamp

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.