Israel nagpatupad na rin ng travel ban sa mga biyahero mula sa iba pang East Asian countries
Nagpatupad na rin ng travel ban ang bansang Israel sa iba pang mga lugar sa East Asia na mayroong kaso ng COVID-19.
Ayon kay Interior Minister Aryeh Deri, bawal na ang pagpasok sa Israel ng mga biyahero mula Thailand, Singapore, Hong Kong, at Macau.
Tanging mga mamamayan ng Israel na galing sa nasabing mga lugar ang papayagang makapasok sa naturang bansa.
Ito ay para maiwasan na makapasok sa Israel ang nakamamatay na sakit.
Bilang pagtalima, ay kinansela na ng Cathay Pacific ang kanilang biyahe mula Hong Kong patungong Israel at pabalik.
Noong Enero ay nauna nang nagpatupad ng travel ban ang Israel sa mga biyahero mula sa China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.