Nasawi sa COVID-19 umakyat na sa 1,873

By Dona Dominguez-Cargullo February 18, 2020 - 07:24 AM

Sa nakalipas na magdamag ay nakapagtala ng 93 panibagong bilang ng mga nasawi sa Hubei Province sa China dahil sa COVID-19, habang lima naman ang nasawi sa iba pang bahagi ng China.

Dahil dito, umakyat na sa 1,873 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19.

Sa nasabing bilang, 1,868 ang sa China habang tig-iisa sa Pilipinas, France, Taiwan, Hong Kong, at Japan.

Nakapagtala din ng dagdag na 1,888 na panibagong kaso sa China sa magdamag.

Dahilan para umabot na sa 73,33 ang kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang Japan ay mayroon nang 520 cases, sa nasabing bilang, 454 ay mula sa Diamond Princess na nakadaong sa Yokohama.

TAGS: China, COVID-19, death toll, disease, global death toll, Health, hubei province, Inquirer News, ncov, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, China, COVID-19, death toll, disease, global death toll, Health, hubei province, Inquirer News, ncov, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.