Sunog sa bundok sa Benguet fire under control na matapos ang isang linggong pag-apula

By Mary Rose Cabrales February 18, 2020 - 06:38 AM

Under control na ang sunog sa bundok sa Barangay Anchokey sa Kabayan, Benguet.

Ayon kay Municipal Fire Marshal Hilario Caniedo, inabot ng isang linggo ang pag-aapula sa sunog dahil sa tarik ng daan. Sa ngayon ay maliliit na bahagi na lamang ng bundok ang may apoy pero balot pa rin ng usok ang bundok.

Naglagay na rin sila ng fire line sa bundok kung saan tinabas nila ang mga damo para hindi na kumalat pa ang apoy.

Kabilang sa mga napinsala ay isang bahay na hindi pa tinitirhan at ilang agricultural land na walang tanim.

Samantala, wala namang naulat na nasawi o nasugatan sa sunog.

Inaalam pa sa ngayon kung ano ang pinagmulan ng apoy.

TAGS: benguet, Forest fire, Inquirer News, Kabayan, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, benguet, Forest fire, Inquirer News, Kabayan, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.