Driver ng jeep na naglalaro ng Mobile Legends habang nagmamaneho, ipinatawag ng LTO

By Dona Dominguez-Cargullo February 18, 2020 - 06:18 AM

Ipinatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang isang driver ng jeep na nag-viral sa social media matapos makuhanan ng larawan na naglalaro ng Mobile Legends habang namamaneho.

Kabilang din sa pinagre-report sa LTO main office ang operator ng jeep.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) nakuhanan ng larawan ang driver ng kaniyang pasahero na hawak ang kaniyang cellphone at naglalaro ng MoBa.

Babumbayan – Pasig ang ruta ng jeep na minamaneho ng driver.

Ayon sa DOTr, nahuli na ng mga otoridad ang jeepney driver at inaisyuhan na ito ng tiket dahil sa paglabag.

Patuloy ang paalala ng DOTr sa mga motorista na mariing ipinagbabawal sa ilalim ng RA No. 10913 o Anti-Distracted Driving Act ang paghawak sa cellphone habang nagmamaneho.

TAGS: dotr, Inquirer News, jeepney driver, lto, mobile legends, pasig, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, dotr, Inquirer News, jeepney driver, lto, mobile legends, pasig, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.