99 pang sakay ng Diamond Princess sa Japan nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo February 18, 2020 - 04:20 AM

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 mula sa mga sakay ng Diamond Princess na nakadaong sa Yokohama, Japan.

Dahil dito, umakyat na sa 454 ang bilang ng mga nagpositibo sa sakit mula sa cruise ship.

Sa Miyerkules (Feb. 19) nakatakdang magtapos ang 14 na araw na quarantine period sa nasabing barko.

Ayon sa Health Ministry Office ng Japan, 1,723 na katao na ang kanilang nasuri mula sa Diamond Princess.

Kahapon ay inilikas na ng Amerika ang 340 na kanilang mga mamamayan na sakay
ng naturang barko.

Ayon sa US State Department, 14 sa mga inilikas ay nagpositibo sa COVID-19.

Wala silang anumang sintomas nang ilikas sa barko, pero sinuri sila pagsakay sa eroplano at doon nakita na positibo ang resulta.

 

TAGS: China, COVID-19, diamond princess, disease, Health, Inquirer News, Japan, ncov, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, Yokohama, China, COVID-19, diamond princess, disease, Health, Inquirer News, Japan, ncov, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, Yokohama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.