Buong Luzon muling naapektuhan ng Amihan
Bahagya muling lumakas ang amihan at apektado na muli nito ang buong Luzon.
Dahil dito, ngayong araw ang Metro Manila, Bicol Region, CALABARZON, Central Luzon, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong isolated na mahihinang pag-ulan.
Sa nalalabi namang bahagi ng Luzon bahagyang maulap na papawirin lamang ang iiral.
Habang sa Visayas at sa Mindanao, bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang mararanasan na mayroong isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms.
Dahil sa amihan nakataas ang gale warning sa baybaying dagat ng northern Luzon at eastern seaboard ng central at southern Luzon.
Ayon sa PAGASA, bawal muna ang paglalayag ng maliliit na sasakyang pandagat sa sumusunod na mga lugar:
– Batanes
– Cagayan kabilang ang Babuyan Islands
– Isabela
– Aurora
– Northern Quezon kabilang ang Polilio Islands
– Eastern Coasts ng Camarines Provinces
– Northern at Eastern Coasts ng Catanduanes
– Eastern Coast ng Sorsogon
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– La Union
– Pangsinan
Wala namang binabantayang sama ng panahon ang PAGASA sa loob ng bansa.
Sa susunod na mga araw ay muling lalakas pa ang amihan at maapektuhan muli ang Visayas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.