Higit 1,000 OFWs na biktima ng Bagyong Tisoy, makakatanggap ng P3,000 tulong-pinansyal mula sa OWWA

By Angellic Jordan February 17, 2020 - 10:40 PM

Makakatanggap ng tig-P3,000 na tulong-pinansyal mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mahigit 1,000 overseas Filipino workers (OFWs) sa Albay.

Ito ay ang mga OFW na biktima ng pananalasa ng Bagyong Tisoy taong 2019.

Ayon OWWA Bicol spokesperson Rowena Alzaga, ipamamahagi ang financial assistance sa 1,067 OFWs sa mga bayan ng Manito, Jovellar, Pio Duran at Malilipot.

Nasa kabuuang P3.2 milyon ang ilalaang pondo para sa ibibigay na tulong sa mga OFW. Nagmula ang pondo sa calamity assistance fund ng ahensya.

Ani Alzaga, maaaring makuha ng mga OFW ang tulong-pinansyal sa pamamagitan ng pagsusumite ng certificate mula sa local government unit (LGU) para mapatunayang biktima sila ng Bagyong Tisoy.

TAGS: #TisoyPH, Bagyong "Tisoy", financial assistance from OWWA, OWWA, OWWA Bicol, #TisoyPH, Bagyong "Tisoy", financial assistance from OWWA, OWWA, OWWA Bicol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.