Ulat na may kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pasig City General Hospital, hindi totoo
Pinasinungalingan ng Pasig City General Hospital na mayroong kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa ospital.
Ayon sa Pasig City Official Information Center, batay sa inilabas na update ng ospital bandang 5:30 ng hapon, walang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa ospital.
Wala ring binabantayang ‘persons under investigation’ (PUI).
Handa naman anila ang ospital at lungsod ng Pasig sa paghawak ng kaso.
“We assure you that we will be able to identify and isolate such cases,” ayon pa rito.
Bukas naman anila ang kanilang linya para sa karagdagang katanungan o impormasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.