Northeast Monsoon, nakakaapekto na muli sa Luzon – PAGASA
Nakakaapekto na muli ang Northeast Monsoon o Amihan sa malaking bahagi ng bansa.
Sa weather update bandang 4:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Ariel Rojas na makikita ang low-lying clouds sa Hilaga-Silangang bahagi ng Luzon.
Indikasyon aniya ito ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan sa Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon at Calabarzon lalo na tuwing gabi at umaga.
Mayroon din aniyang asahang pagbugso ng hangin lalo na sa mga bulubunduking lugar at baybayin epekto pa rin ng Amihan.
Magdudulot din aniya ito ng malamig na temperatura sa ilang bahagi ng bansa.
Wala naman aniyang nakikitang makakapal na kaulapan sa ibang parte ng bansa.
Dahil dito, asahan aniya na walang mararanasang malalakas na pag-ulan sa mga susunod na oras.
Wala ring inaasahang papasok o mabubuong sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod ng tatlo hanggang limang araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.