Pangulong Duterte, hindi nangangampanya kay Trump

By Chona Yu February 17, 2020 - 07:23 PM

Nilinaw ng Palasyo ng Malakanyang na hindi pangangampanya at hindi pag-eendorso ang ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte nang sabihin nitong karapat dapat na mahalal muli si U.S. President Donald Trump.

Sinasaluduhan ni Pangulong Duterte si Trump dahil sa pagsang-ayon nito na ibasura na ang Visiting Forces Agreement (VFA) na nilagdaan ng Pilipinas at Amerika may dalawang dekada na ang nakararaan.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, nagpapahayag lamang ng sentimyento si Pangulong Duterte.

Hayagan naman aniya ang paghanga ni Pangulong Duterte sa karakter ni Trump lalo na sa usapin sa national interests.

Kumakandidatong muli si Trump sa pagka-pangulo ng Amerika.

TAGS: Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo, U.S President Donald Trump, vfa termination, Palasyo ng Malakanyang, Sec. Salvador Panelo, U.S President Donald Trump, vfa termination

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.