Lt. Col. Espenido, posibleng masama pa sa narcolist depende sa ebidensya
Maari pang mabago ang paniniwala ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kasama sa narcolist si Lt. Col Jovie Espenido.
Ang kontrobersiyal na police officer na responsable sa pagkakapatay sa drug operations laban kina Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojonig at Albuera Mayor Rolando Espinosa.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, depende kasi kung may mailalabas na ebidensya na magpapatunay na sangkot sa ilegal na droga si Espenido.
Sinibak si Espenido bilang deputy chief for operations ng Bacolod City police dahil sa pagiging protector umano ng mga drug lord.
Ayon kay Panelo, kahit na inabswelto na ni Pangulong Duterte si Espenido, hindi ito nangangahulugan na abswelto na si Espenido sa anumang uri ng paglilitis.
Iimbestigahan pa rin aniya si Espenido.
Kasabay nito, iginiit ni Panelo na credible pa rin ang narcolist ng pamahalaan.
Una rito, kinumpirma ni Interior Secretary Eduardo Año na kasama sa narcolist si Espenido kung kaya sinibak sa puwesto.
Pero ayon sa pangulo, hindi siya naniniwala na kasama sa narcolist si Espenido at black propaganda lamang aniya para sirain ang kanyang kampanya kontra sa ilegal na droga.
Matatandaang makailang beses nang pinuri ni Pangulong Duterte si Espenido dahil sa matapang na istilo sa pagresponde sa mga drug operaton.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.