Paggamit ng gamot na may marijuana sa Epilepsy, aprub kay Pangulong Duterte

Pabor si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggamit ng cannabidiol na may halong marijuana bilang pang gamot sa Epilepsy.

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang matapos aprubahan “in principle” ng Dangerous Drugs Board na maaring gamitin ang cannabidiol bilang panggamot sa sakit na Epilepsy.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, noon pa man pabor na si Pangulong Duterte sa paggamit nito kung para lamang sa medical use.

Sinabi pa ni Panelo na hindi tutol ang pangulo kung kailangan ang cannabidiol para mabuhay ang isang tao.

Pero kinakailangan aniyang may back up na scientific findings na makagagamot ang paggamit ng marijuana sa Epilepsy.

Read more...