WATCH: Sec. Briones, pumalag sa ulat na 70,000 na batang estudyante ang hindi marunong magbasa
Eksaherado.
Ito ang naging tugon ni Education Secretary Leonor Briones sa ulat ng Philippine Daily Inquirer na 70,000 na mga batang estudyante sa Bicol region ang hindi marunong magbasa ng English at Filipino.
Sa “Laging Handa” press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Briones na hindi tama na sabihing “no read no write” ang mga estudyante sa elementarya sa Bicol.
Pinaghalo kasi aniya ang bilang ng mga estudyante na nahihirapang magbasa ng Filipino at English kung kaya lumobo ang numero.
Malaking insulto aniya ito sa mga Bikolano lalo’t isa sa kanilang paaralan ang nakakuha ng mataas na rating sa Philippine Informal Reading Inventory o Phil-Iri.
Maari aniyang mayroong mga estudyante ang nahihirapan na makabasa subalit hindi lubos na nakaiintindi sa kanilang binabasa.
Dahil dito, kaklaruhin aniya ng DepEd ang naturang datos.
Base sa pag-aaral ng PhilRi na isinagawa noong July at August 2019, lumalabas na 70 percent sa mga batang estudyante ang hindi nakababasa.
Aabot sa mahigit 18,000 na estudyante sa Grades 3 hanggang 6 ang hindi marunong magbasa habang ang natitira ay nasa Grades 1 hanggang 2.
Narito ang buong ulat ni Chona Yu:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.