Russian national na wanted ipade-deport ng BI
Nakatakdang ipatapon pabalik ng kanyang bansa ang isang babaeng Russian na wanted dahil sa large-scale fraud.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang nasabing puganteng Russian na si Uba Iuliia, 36-anyos, ay una ng naaresto noong Pebrero 6 sa loob ng kanyang condo sa Makati City.
Naaresto si Iuliia sa kahilingan narin ng Russian authorities upang mapanagot ito sa kanyang nagawang krimen.
Si luliia ay ipapa-deport aniya dahil sa pagiging undocumented at undesirable alien matapos kumpiskahin ma ng Russian government ang pasaporte nito.
Nanatili namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang kasabwat nito.
Sa datos ng BI, dumating umano sa bansa si luliia noong Hulyo ng nakaraang taon bilang turista.
Inilagay na rin ang pangalan nito sa blacklist ng BI na nangangahulugang hindi na ito papayagang makapasok muli ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.