GrabTrike, GrabFood at GrabExpress magsisimula nang mag-operate sa SJDM

Nakipag-partner na rin ang San Jose Del Monte (SJDM) City sa Bulacan sa Grab.

Ito ay bahagi nang pagsusumikap ng liderato ng mag-asawang Mayor Arthur Robes at Rep. Rida Robes na paunlarin ang mga komunidad sa SJDM.

Ang Grab na kilala sa pagiging “the leading everyday everything app in Southeast Asia,” ay maglulunsad ng kanilang araw-araw na serbisyo sa SJDM kabilang ang GrabTrike, GrabFood, at GrabExpress sa March 2020.

Nagbigay din ang Grab sa pamamagitan ng donasyon ng 100-piraso ng “No Parking” signs para nakatulong sa inisyatiba ng lokal na pamahalaan na masolusyunan ang trapiko sa umuunlad na lungsod ng SJDM.

Paliwanag ni Mayor Robes, “We’ve put technology and innovation at the heart of our projects. By partnering with a service provider like Grab, we are able to give our contituents access to the most modern conveniences.”

Idinagdag pa ng alkalde, “The partnership is a significant step in our goals of becoming a digital-ready city while remembering our city’s rich history and recognizing the deep traditions of our people.”

Sa kanya namang parte, Sinabi ni Rep. Rida Robes na nagsisilbing House Committee on Transportation Vice chairperson “San Jose Del Monte is a fast-growing city, and we need partners who are willing to take on the challenge with us. We need increased accessibility to and from our city and we think Grab can help us deliver various mobility solutions to San Joseños.”

Inaasahan namang makapagbibigay ng libu-libong trabaho sa mga residente ang presensiya ng Grab.

Higit sa lahat, nais ng tinaguriang power couple ng SJDM na makipag-ugnayan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa posibilidad ng operasyon ng Transportation Network Vehicle Service (TNVS) sa lungsod “It’s the long-time prayer of many of our people,” Sabi ni Rep. Robes. “We hope that the LTFRB greenlights this soon.”

Ikinagalak naman ni Grab Philippines President Brian Cu ang pagpasok ng Grab services sa SJDM. “I am humbled and excited that this partnership is the start of many more meaningful synergies between Grab and the City Government of San Jose Del Monte”

Bilang bahagi ng kanilang partnership, ang Grab at ang pamahalaang lungsod ng SJDM ay magsasagawa ng hyper-localized mapping system sa lungsod.

Ito ay tutukoy sa mga mahahalagang points-of-interest sa mga komunidad at makatutulong na mapaunlad ang accuracy and efficiency sa paghahatid ng public at commercial services sa kanilang mga residente tulad ng food delivery, parcel delivery, at pick-up and drop-off points.

At bilang tugon sa Philippine Data Privacy Laws ay magbabahagian din ang Grab at ang San Jose Del Monte ng relevant data sa updated base map o satellite imagery ng SJDM.

Read more...