Sangley Airport Development Project gagamitin ni Pangulong Duterte sa kanyang last flight bilang pangulo ng bansa
Personal na tatangkilikin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong gawang Sangley Airport Development Project sa Cavite.
Ayon sa pangulo, sa Sangley Airport siya sasakay ng kanyang huling flight bilang pangulo ng bansa pauwi sa kanyang tahanan sa Davao City.
Pero ayon sa pangulo, dapat lamang tiyakin na hindi lalangot sa dagat ang kanyang sasakyang eroplano.
June 2019 nang magsagawa ng surprise inspection si Pangulong Duterte sa NAIA bunsod ng sunud-sunod na reklamo na mga cancel at delay flights dahil sa congestion.
Sa naturang surprise inspection, agad na ipinag-utos ni Pangulong Duterte kay Transportation Secretary Arthur Tugade na gawing operational ang sangley airport bilang alternatibong airport.
Aabot sa 486 milyong piso ang nagastos ng pamahalaan sa pag aayos sa Sangley Airport.
Sa Marso pa sana ang target completion ng Sangley Airport subalit dahil sa mabilis na pag aksyun ng DOTr natapos na ito noong Nobyembre at napaaga ang inagurasyon at ginawa noong araw ng Sabado.
One percent operational na ang Sangley Airport at maari nang magamit sa general aviation operations ng mga turboprop aircraft para sa commercial cargo operations.
Mayroon ding flight information display system (FIDS), closed circuit television (CCTV), x-ray, and baggage handling and weight conveyor ang terminal building.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.