Buoy markers sa 7-km radius danger zone sa Bulkang Taal inalis ng coast guard
Sinimulan na ng Philippine Coast Guard ang pagtatanggal ng buoy markers sa 7-kilometer-radius danger zone sa Bulkang Taal.
Ito ay matapos na ibaba ng PHIVOLCS ang seismic activity status ng Taal Volcano sa Alert Level 2 na lamang mula Alert Level 3.
Ang mga markers ay unang inilagay ng coast guard para masiguro na hindi mapapasok ng mga residente ang loob ng nasasakupan ng 7-kilometer-radius danger zone.
Sa ngayon ay ipinauubaya na ng PHIVOLCS sa mga lokal na pamahalaan ang pag-assess sa kani-kanilang lugar lalo para sa pagpayag o pagbabawal sa mga residente na makabalik sa kanilang tahanan.
Habang nananatili namang permanent danger zone ang Taal Volcano Island.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.