3 kabilang ang dalawang lider ng NPA patay sa engkwentro sa Isabela

Nasawi ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) kabilang ang isang team leader at isang medical officer sa engkwentro sa mga sundalo sa Ilagan, Isabela.

Ayon kay Major Noriel Tayaban, tagapagsalita ng 5th infantry Division ng Philippine Army, nangyari ang engkwentro sa Barngay Rang-ayan.

Naka-engwentro ng mga tauhan ng 95th Infantry Battalion ang mga rebelde na nagresulta sa pagkasawi ng tatlo at pagsuko ng isang menor de edad at dalawang iba pa.

Kinilala ang mga sumuko sa mga alyas na Ka Alvin, Ka Jambi at Ka Leslie.

Nakuha naman sa encounter site ang isang M-16 Armalite rifle at tatlong kalibre .45 na baril.

 

Read more...