3 kabilang ang dalawang lider ng NPA patay sa engkwentro sa Isabela

By Dona Dominguez-Cargullo February 17, 2020 - 10:38 AM

Nasawi ang tatlong miyembro ng New People’s Army (NPA) kabilang ang isang team leader at isang medical officer sa engkwentro sa mga sundalo sa Ilagan, Isabela.

Ayon kay Major Noriel Tayaban, tagapagsalita ng 5th infantry Division ng Philippine Army, nangyari ang engkwentro sa Barngay Rang-ayan.

Naka-engwentro ng mga tauhan ng 95th Infantry Battalion ang mga rebelde na nagresulta sa pagkasawi ng tatlo at pagsuko ng isang menor de edad at dalawang iba pa.

Kinilala ang mga sumuko sa mga alyas na Ka Alvin, Ka Jambi at Ka Leslie.

Nakuha naman sa encounter site ang isang M-16 Armalite rifle at tatlong kalibre .45 na baril.

 

TAGS: encounter, Ilagan, Inquirer News, isabela, NPA, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, encounter, Ilagan, Inquirer News, isabela, NPA, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.