Quo warranto petition vs ABS-CBN posibleng maideklarang moot and academic – Atty. Harry Roque

By Dona Dominguez-Cargullo February 17, 2020 - 09:38 AM

Screengrab from official video

Posibleng maideklarang moot and academic lang ang inihaing quo warranto petition ng Office of the Solicitor General (OSG) laban sa giant network na ABS-CBN sa Korte Suprema.

Pahayag ito ni Atty. Harry Roque sa panayam ng Radyo Inquirer.

Sinabi ni Roque na maiksi na lang ang panahon bago sumapit ang March 30, 2020 kung saan mapapaso na ang prangkisa ng network.

Maari aniyang hindi na madesisyunan ng SC ang petisyon bago dumating ang March 30.

Sa ngayon ay nasa kongreso ang desisyon kung palalawigin ang prangkisa ng ABS-CBN pero una nang sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na maaring hindi na ito matalakay sa nalalabing sesyon ng Kamara.

Habang ang National Telecommunications Commission (NTC) kung pagkakalooban ba ng provisional authority ang ABS-CBN para patuloy na makapag-operate.

TAGS: franchise, Inquirer News, NTC, OSG, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, quo warranto, Radyo Inquirer, Supreme Court, Tagalog breaking news, tagalog news website, franchise, Inquirer News, NTC, OSG, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, quo warranto, Radyo Inquirer, Supreme Court, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.