Pamahalaan pinaplano na ang paglilikas sa mga Pinoy na sakay ng Diamond Princess
Pinaplantsa na ng pamahalaan ang plano para sa paglilikas sa mga Pinoy na sakay ng cruise ship na Diamond Princess na nakadaong sa Japan.
Ito ay bunsod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng tinatamaan ng COVID-19 sa nasabing barko.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Health Assistant Sec. Maria Rosario Vergeire na nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan sa Shipping Lines na Princess Cruises para sa proseso.
Naghahanap na din ng panibagong quarantine facility ang gobyerno sakaling mailikas ang mahigit 500 sakay ng barko na karamihan ay crew.
Masyado kasi silang marami para dalhin sa New Clark City sa Capas, Tarlac.
Una rito ay sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na bibigyan ng kalayaan ang mga Pinoy na lulan ng barko na magpasya kung nais nilang magpalikas o nais nilang manatili doon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.