Bilang ng mga Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 mula sa cruise ship sa Japan umakyat na sa 27

By Dona Dominguez-Cargullo February 17, 2020 - 07:57 AM

Umakyat na sa 27 ang bilang ng mga Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 sa cruise ship na nakadaong sa Japan.

Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Japan, 16 pang Pinoy ang nadagdag sa mga nagpositibo base sa panibagong batch ng mga resulta na inilabas ng health ministry office ng Japan.

Gaya ng ipinatutupad na protocol ng Japanese health authorities, ang mga panibagong nagpositibo ay agad ibinaba ng barko para madala sa ospital.

Tiniyak naman ng embahada na araw-araw ay nakakakuha sila ng update sa kalagayan ng mga Pinoy na nagpositibo sa sakit.

Habang tuloy ang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan ng Japan upang masiguro namang maayos ang lagay ng mga nananatili pang naka-quarantine sa loob ng barko.

TAGS: China, COVID-19, diamond princess, disease, Health, Inquirer News, ncov, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City, China, COVID-19, diamond princess, disease, Health, Inquirer News, ncov, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Wuhan City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.