Amihan humina na; naitalang temperatura sa ilang lugar sa bansa bahagya ng tumaas
Tumaas na ang naitalang temperatura sa ilang bahagi ng bansa ngayong umaga ng Lunes, February 17.
Ito ay dahil sa paghina na ng Amihan na nakaaapekto na lamang ngayon sa Northern Luzon.
Ayon sa PAGASA, alas 5:00 ng umaga kanina, naitala ang sumusunod na temperatura sa ilang mga lugar:
PAGASA Science Garden, QC – 22.2 degrees Celsius
Baguio City – 16.0 degrees Celsius
Tanay, Rizal – 20.4 degrees Celsius
Laoag City – 25.0 degrees Celsius
Clark, Pampanga – 23.1 degrees Celsius
Una nang sinabi ng PAGASA na bagaman tatagal hanggang katapusan ng Pebrero ang pag-iral ng amihan ay hihina naman na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.