Biyahe ng MRT-3 maagang nagka-aberya, mga pasahero pinababa sa Cubao Station
Maagang nakaranas ng aberya sa biyahe ng Metro Rail Transit – 3 ang mga pasahero nito.
Ito ay makaraang isang tren ng MRT-3 ang nagkaroon ng problema dahilan para pababain ang mga pasahero sa Cubao Station.
Sa tweet ng mga pasaherong naapektuhan, nanawagan sila sa pamunuan ng MRT-3 na magpadala ng skipping train sa Cubao upang makasakay ang mga pasaherong pinababa.
Ayon sa isa sa mga pasahero, limang beses nagsabi ang train operator na kailangang i-reset ang sinasakyan nilang tren.
Kalaunan, pinababa din sila pagdating sa Cubao.
Sa tweet naman ng isa pang pasahero, umabot ng 30 minuto ang paghihintay nila sa Cubao dahil lahat ng dumarating na tren galing North Avenue statio ay puno na.
Ang naturang aberya ay nakaapekto na din sa iba pang istasyon dahil na-delay na ang dating ng mga tren.
Humingi naman ng paumanhin ang MRT-3 sa mga pasahero sa naranasang aberya.
Ayon sa MRT, 450 na pasahero ang naapektuhan ng aberya na naganap alas 5:56 ng umaga.
Pinababa sila matapos magkaroon ng electrical motor failure ang tren.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.