Bangkay ng 2 lalaki natagpuan sa Davao del Sur

By Mary Rose Cabrales February 17, 2020 - 06:31 AM

Natagpuan ang bangkay ng dalawang lalaki sa tabi ng kalsada sa Barangay Kinuskusan sa Bansalan, Davao del Sur, Linggo ng umag (February 16).

Wala namang natagpuang pagkakakilanlan ang dalawang bangkay at nasa state of decomposition na.

Kinilala na lamang ang mga biktima base sa kanilang suot na damit.

Pulang t-shirt at brown pants ang suot ng isang lalaki habang naka-navy blue shirt at black pants naman ang suot ng isa pang biktima.

Ayon kay Salvacion Erebias, residente sa lugar natagpuan nila ang mga bangkay dahil sa masangsang na amoy sa lugar na dalawampung metro lang ang layo ng bahay niya.

Ayon naman kaya Police Major Peter Glenn Ipong, hepe ng Bansalan Police, posibleng patay na ang dalawang biktima nang itinapon sa damuhang bahagi sa tabi ng kalsda.

Ang mga biktima ay nakabalot ng cellophane ang ulo at nakagapos ang kanilang mga kamay sa likod.Ang isang lalaki ay may tama ng bala sa dibdib at ang isa naman ay may sugat sa leeg.

Kinuhanan naman ng crime lab ng swab para makuha ang DNA sa mga biktima.

Agad naman na nailibing ang dalawang lalaki sa Bansalan Public Cemetery.

Nanawagan din ang mga otoridad sa sino mang nawalan ng kapamilya o kamag-anak na agad na makipag-ugnayan sa kanila para matukoy ang mga bangkay.

TAGS: Bansalan, Davao del Sur, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bansalan, Davao del Sur, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.