Lalaki patay matapos pagbabarilin sa loob ng bahay sa Davao City

By Mary Rose Cabrales February 17, 2020 - 06:16 AM

Nasawi ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa loob ng kanilang bahay sa Barangay 14-B sa Davao City, Linggo ng umaga (February 16).

Nakilala ang biktima na si Gerald Cajegas, 34 taong gulang.

Ayon kay Irene Mijares, tiyahin ng biktima na saksi sa krimen, naghahakot umano ng kahoy si Cajegas papasok sa kanilang bahay nang pumasok din ang salarin at pinagbabaril ito ng tatlong beses sa katawan.

Nadala pa sa ospital ang biktima pero ito ay nasawi rin.

Ayon naman kay Police Lieutenant Jerry Acid ng Sta. Ana Police, may posibilidad na personal na away ang motibo sa krimen dahil sa sugal.

Dagdag ni Acid, wala namang drug-related records ang biktima.

Nagsasagawa na ang mga otoridad ng manhunt operation para matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin.

TAGS: ambush, crime, Davao City, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambush, crime, Davao City, Inquirer News, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.