25 babae kabilang ang 1 menor de edad nailigtas sa limang resto bar sa Valenzuela

By Dona Dominguez-Cargullo February 17, 2020 - 04:35 AM

Nailigtas ng mga otoridad ang 25 babae kabilang ang isang menor de edad sa magkakahiwalay na operasyon na ikinasa sa limang resto bar sa Valenzuela City.

Ang mga babae ay pinagtatrabaho bilang mga Guest Relation Officers (GROs) sa bar.

Ayon kay Police Cat. Marissa Arellano ng Women and Children Protection ng Valenzuela PNP, naaresto naman ang apat na pawang floor managers sa mga sinalakay na bar.

Isinagawa ang pagsalakay sa mga Barangay Dalandanan, Malanday, Karuhatan, Paso De Blas, at Malinta.

Natuklasan na pawang walang health permit ang mga nailigtas na babae maging ang mga naarestong floor managers.

TAGS: Inquirer News, oplan magdalena, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, police report, prostitution, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Valenzuela City, Inquirer News, oplan magdalena, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, police report, prostitution, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Valenzuela City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.