Magbibigay ng siyam na patrol car ang lokal na pamahalaan ng Marikina city sa Marikina city police office.
Ayon kay Marikina mayor Marcelino Teodoro, ilalagay ang siyam na patrol car sa mga police community precinct.
Bukod sa patrol car, magpapagawa rin ang Marikina city ng walong palapag na gusali para sa Marikina police office.
Nagkakahalaga ang naturang proyekto sa P130 milyon.
Ayon kay Teodoro, mayroong interrogation room, tactical operations room, evidence room, firing range at barracks ang itinatayong gusali,
Dagdag ni Teodoro, mayroon ding wellness spa at chapel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.