Bilang ng nasawi bunsod ng COVID-19, umabot na sa 1,662

By Chona Yu February 16, 2020 - 04:12 PM

Pumalo na sa 1,662 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Coronavirus Disease 19 o COVID-19.

Nabatid na sa Hubei province lamang, 139 na bagong kaso ng mga nasawi ang naitala sa araw ng Linggo.

Ayon kay French health minister Agnes Buzyn, isang 80-anyos na Chinese tourist ang namatay sa France dahil sa Coronavirus.

Ito ang unang kaso ng nasawi sa labas ng Asya.

Sa ngayon, aabot na sa 68,000 ang infected ng coronavirus sa China.

Nagpatupad na rin si Chinese President Xi Jinping ng mas mahigpit na siguridad para matungunan ang paglaganap ng Coronavirus.

Isa sa mga hakbang na ginagawa ng China ay ang pag-disinfect sa kanilang pera.

TAGS: COVID-19, COVID-19 cases in China, COVID-19 sa China, COVID-19, COVID-19 cases in China, COVID-19 sa China

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.