Inihayag ng PAGASA na bahagyang humina ang epekto ng Northeast Monsoon o Amihan sa bansa.
Sa weather update dakong 4:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Ana Clauren na dahil dito ay nakaramdam ng bahagyang mainit na temperatura sa bansa.
Umiiral aniya na weather system ay ang Easterlies o mainit na hangin na nagmumula sa Pacific Ocean.
Sa susunod na 24 oras, sinabi ni Clauren na magiging maaliwalas ang panahon sa buong bansa kabilang ang Metro Manila.
Mababa aniya ang tsansa na makaranas ng pag-ulan sa Luzon.
Posible naman aniyang makaranas ng light rains ang Visayas at Mindanao lalo na tuwing hapon at gabi.
MOST READ
LATEST STORIES