P3.4-M halaga ng shabu nasabat sa Ermita, Maynila
Nasamsam ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang P3.4 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Ermita, Maynila Biyernes ng gabi.
Isinagawa ng NCRPO ang operasyon katuwang ang Ermita police station drug enforcement unit sa bahagi ng Maria Orosa Street bandang 11:00 ng gabi.
Naaresto ang mga suspek na sina Fahad Masla Pasandalan, 26-amyos; Benjee Abas, 20-anyos; Kanuto Usop Nasa, 55-amyos; Datu Ali Baking Nasa, 29-anyos, at Rohane Lampak Guiamed, 26-anyos, matapos positibong makabili ng ilegal na droga ang isang pulis na naglsbing poseur buyer sa operasyon.
Nakuha sa lima ang 500 gramo ng shabu, isang Toyota Vios na sasakyan, isang sling bag, isang eco bag, dalawang cellphone at ginamit na buy-bust money.
Sa ngayon, nakakulong na sa Ermita police station ang mga suspek.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.