Sa inilabas na pahayag, sinabi ng senador na layon nitong mapaghandaan sa posibleng pagkalat ng Coronavirus Disease (COVID-19) at kung sakaling may dumating na nakakahawang sakit sa bansa.
Sa tulong nito, hindi na aniya magtuturuan kung saang lugar itatayo ang quarantine facility.
Magkakaroon na rin aniya ng peace of mind ang bawat Filipino sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Tiniyak naman sa publiko ng chairman ng Senate committee on health na ginagawa ng Department of Health (DOH) amg lahat ng makakayang aksyon para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Muli nitong hinikayat ang publiko na sundin lamang ang mga inilalabas na payo ng mga health official ukol sa sakit.