Sen. Go, nais maghain ng panukalang batas para magtayo ng dagdag na quarantine facility sa bansa

By Angellic Jordan February 15, 2020 - 04:04 PM

Plano ni Senator Christopher “Bong” Go na maghain ng panukalang batas para sa magtayo ng karagdagang quarantine facilities sa bansa.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng senador na layon nitong mapaghandaan sa posibleng pagkalat ng Coronavirus Disease (COVID-19) at kung sakaling may dumating na nakakahawang sakit sa bansa.

Sa tulong nito, hindi na aniya magtuturuan kung saang lugar itatayo ang quarantine facility.

Magkakaroon na rin aniya ng peace of mind ang bawat Filipino sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Tiniyak naman sa publiko ng chairman ng Senate committee on health na ginagawa ng Department of Health (DOH) amg lahat ng makakayang aksyon para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Muli nitong hinikayat ang publiko na sundin lamang ang mga inilalabas na payo ng mga health official ukol sa sakit.

TAGS: COVID-19, quarantine facility, Sen. Christopher Go, COVID-19, quarantine facility, Sen. Christopher Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.