Nadagdagan pa ang bilang ng mga ‘person under investigation’ (PUI) na posiibleng apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19.
Sa huling tala ng Department of Health (DOH) bandang 10:00 ng umaga, nasa kabuuang 487 PUIs ang naitala sa bansa.
Sa nasabing bilang, 154 ang nananatili pa sa ospital habang nasa 330 naman ang na-discharge na.
Pinakamarami namang naitalang PUI sa National Capital Region (NCR) na 85 admitted PUIs at 69 discharged PUIs.
Sumunod dito ang Central Luzon na may 10 admitted PUIs habang 46 naman ang discharged PUIs.
Sinabi ng DOH na nananatili pa rin sa tatlo ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.