P680,000 halaga ng shabu, nasabat sa dalawang suspek sa Cebu City

Nasamsam ang mahigit P680,000 halaga ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Cebu City, Huwebes ng gabi (February 13).

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Central Visayas, isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Barangay Sambag 1 dakong 8:00 ng gabi.

Nagresulta rin ang operasyon sa pagkakaaresto ng dalawang suspek na sina Joseph Tan, 28-anyos, at Gerwilben Lepatan, 27-anyos.

Nakuha sa dalawa ang walo pack ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 100 gramo.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...