Arrest warrant laban kay Trillanes, isang ‘vindication’ para sa pamilya Binay- Atty. Certeza
Isang malinaw na ‘vindication’ na makitaan ng ‘probabale cause’ ang reklamong libel na inihain ni dating Makati City Mayor Jejomar Erwin ‘Junjun Binay’ laban kay senador Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Atty. Claro Certeza, abugado ni Binay, nagpapatunay aniya na sadyang ‘politically motivated’ at mga kasinungalingan lamang ang mga bintang laban sa kanyang kliyente.
Matatandaang noong April ng nakaraang taon, sinampahan ng reklamong libel ni Junjun Binay si Trillanes dahil sa paulit-ulit na pagpapainterview sa media at paghahayag ng mga diumano’y kasinungalingan sa konstruksyon ng Makati City Hall Building II.
Inakusahan din ng senador si Binay na nanuhol ng dalawang Mahistrado ng Sixth Division ng Court of Appeals ng P50 milyon upang magpalabas ng writ of preliminary injunction sa suspensyon ng alkalde.
Iginiit pa ng kampo ni Binay na isinasalang ni Trillanes sa ‘trial by publicity’ ang kanilang pamilya upang sirain ang kanilang reputasyon at ng Bise Presidente na tumatakbong Pangulo sa susunod na eleksnyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.