Babaeng opisyal ng NPA, patay sa engkuwentro sa Cotabato

By Jan Escosio February 15, 2020 - 12:40 PM

Napatay sa sagupaan sa pagitan ng puwersa ng gobyerno at rebelde ang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) sa Mindanao.

Tanghali ng Biyernes, Pebrero 14, nang mapatay si Juanita Tacadao alias Maring sa pinagtataguan nito sa Barangay Malabuan sa Makilala, North Cotabato.

Pinamumunuan ni Tacadao ang NPA – Far South Mindanao at siya rin ang logistics and finance chief ng grupo.

Ayon kay Brig. Gen. Adnonis Bajao, commander ng 100 2nd Infantry Brigade sinalakay nila ang hideout ni Tacadao para isilbi ang ilang warrants of arrest sa kinahaharap niyang mga kasong kriminal.

Nagkaroon ng ilang minutong pagpapalitan ng mga putok bago nagsitakbuhan ang mga rebelde nang makitang napatay na ang kanilang pinuno.

Kasabay nito, sa hiwalay na operasyon ay nakubkob din ng awtoridad ang isang pang hideout ni Tacadao sa Malawanit, Magsaysay, Davao del Sur.

Sa dalawang operasyon, narekober ang apat na armas, mga pampasabog at mga subersibong dokumento.

TAGS: Juanita Tacadao alias Maring, makilala, North Cotabato, NPA, Juanita Tacadao alias Maring, makilala, North Cotabato, NPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.