Customs minamadali ang proseso sa pag-release ng face masks

Minamadali ng Bureau of Customs (BOC) ang proseso ng pagre-release sa face masks na dumaraint sa bansa.

Ito ay bunsod ng kakapusan pa rin ng suplay ng face masks sa bansa dahil sa banta ng COVID-19.

Ayon sa Customs, kapag mayroong dumarating na shipments ng face masks ay minamadali ang proseso para agad itong mai-release.

Sa record ng BOC, mula noong January ay mayroong 210 cartons, 10 boxes, 5 packages, at 115 piraso ng face masks ang nai-release na ng Customs.

Ito ay sa Port of Davao at sa Port of NAIA.

Read more...